Miss kita kahit tayo’y magkasama.
Miss kita kahit tayo’y laging nagkikita.
Miss kita kahit na ika’y nasa aking tabi.
Paano pa kaya pagyakap na kita?
Mahal kita dahil ako’y mahal mo rin.
Mahal kita dahil binibigyan mo ako ng atensyon.
Mahal kita dahil sa tuwing kailangan kita ay nandiyan ka.
Paano pa kaya pag tayo’y kasal na?
Lalayuan na kita dahil ayoko na sa iyo.
Lalayuan na kita dahil gusto ko ay iba na.
Lalayuan na kita dahil wala na sa’yo ang hanap ko.
Paano pa kaya ang aking hinaharap?