Sana Akin Na Lang… (3-8-06)

Feb 25, 2024 | Poem | 0 comments

Pwede bang akin na lang?
Pagtingin at pagmamahal mo,
mga ngiti sa iyong labi,
Kaway mo sa mga binabati.

Pwede mo bang iparamdam?
pagkalinga sa minamahal,
Lambing sa iniirog,
At pag-aaruga sa sinisinta?

Ngunit papaano pa kaya?
Iba ang iyong sinisinta,
Siya ang nilalaman ng iyong isip at damdamin,
Sana akin na lang,
Kanyang pagkatao,
Nang ako na lang,
Ang minamahal mo…

Alam kong pangarap ang lahat ng ito,
Alam kong imposibleng mangyari ang ganito.
Kaya nga sana lang, sana lang,
Sana akin ka na lang…

Share This